Essay Tungkol Sa Pagpapahalaga Sa Kalikasan

Ang kalikasan ang isa sa mga pinakamagandang regalo ng Diyos sa atin kaya dapat natin itong pangalagaan. Subalit sa halip na pangalagaan, kapabayaan ang aking nakikita. ‘Di ba kaya nga nilikha ang tao para pangalagaan ito?

Kaming mga Iskolar ng Philberth sa Taal, Batangas ay nagkaroon ng isang workshop/seminar nitong nakaraang June 1-3, 2012. Ang naging tema ng aming workshop ay tungkol  sa kalikasan. Isa sa mga ipinaliwanag dito ang kung paano sinisira ang ating kalikasan. Sa loob ng tatlong araw, nagkaroon kami ng talakayan tungkol sa kalikasan upang magkaroon kami ng dagdag kaalaman ukol dito at bilang mga kabataan, ano ang aming magiging hakbang upang maprotektahan ang ating Inang kalikasan at paano namin ito sisimulan. At para magkaroon ng output ang workshop na ito, gumawa kami ng isang teatro na umiikot lamang sa problemang pangkalikasan ng Batangas at maganda naman ang kinalabasan nito.

Batay sa aming nakuhang kaalaman tungkol sa workshop, unti-unti na ngang nasisira ang ating kapaligiran bunga ito ng mga sakunang dumarating sa ating buhay. Marami nang tao ang nagkakasakit dahil na din sa maruming kapaligiran. Ang landslide, flashfloods, at  iba pang mga sakuna na galing sa kalikasan ay epekto ng illegal logging sa kabundukan at maging sa kagubatan. Ang Ozone layer ay unti-unti na ring nabubutas dahil sa mga pagsusunog ng basura at sobrang paggamit ng carbon dioxide. Ito ang nagiging sanhi ng Climate Change.

Bilang isang mamamayan ng ating bayan, may magagawa pa tayo para mapigil pa ang mga masasamang epekto nito. Hindi pa huli ang lahat upang mapigil ito. Ngunit kung papairalin natin ang ating kapabayaan, patuloy na  masisira ang ating kalikasan at wag tayong mabibigla kung may dumating sa ating ganti ng kalikasan. Laging Tandaan: Nasa Huli ang Pagsisisi.

Ikaw, bilang mamamayan, Ano ang magiging hakbang mo upang mapigilan ang ganitong sitwasyon? Paano mo ito sisimulan?

author: Percy

p.e./kf

About Percy

Isang Kabataan na maraming pangarap sa buhay lalong lalo na sa kanyang pamilya..

  • Muli Ko Silang Makakasama!- November 6, 2012
  • Pinsan ko pala si “Volta”- August 28, 2012
  • The Best Social Worker- August 11, 2012
  • High School Life- August 1, 2012
  • Sugat sa Puso, Ang Hirap Gamutin.- August 1, 2012
  • Ang Pag-iibigan ni Tutoy at Ineng- August 1, 2012
  • Sa Sampung Piso, Nakatulong Ako!- July 21, 2012
  • I Miss You, My Friend!- July 1, 2012
  • That’s What Friends Are For- July 1, 2012
  • Kalikasan, Ating Pangalagaan!- June 27, 2012

Kalikasan ay ating Pangalagaan

Isang Pagbati ng magandang araw sa ating lahat.

Pagmasdan natin ang ating paligid. Natutuwa ba kayo? Natutuwa ba kayo sa kasalukuyang nangyayari sa ating kalikasan? Natutuwa ba kayo sa kaliwa't kanang mga delubyo?

Kung oo ang iyong, marahil ay hindi mo lubos na nauunawaan ang tunay na kalagayan ng ating kalikasan. Para saiyong kaalaman, sira na... sira na ang kalikasang bumubuhay sa atin. Sira na ang kalikasang pinagkukunan natin. At, sino ang may gawa? Tao!

Pansinin natin ang ating paligid. Hindi ba't mas marami pa ang mga basurang ikinalat ng tao kaysa sa mga halaman. Mga basurang ikinalat natin bunga ng kawalang-disiplina at katamaran. Ngayon, ang mga basurang ito ang siyang naninira sa mukha ng kalikasan. Dinudumihan nito ang iba't ibang anyong tubig – lawa, dagat at maging ang mga ilog.

Idako naman natin ang ating tingin sa mga kabundukan. Ang dating berde nitong damit ay animong unti-unting nawawala dahil sa kagagawan ng mga tao. Isa na rito ang ilegal na pagpuptol ng mga puno at ang pagkakaingin na minsa'y nagiging mitsa ng malawakang sunog. Hindi ba't ang mga kabundukan ang siyang pinagkukunan natin ng halos lahat ng ating pangangailangan at kanlungan din ito ng marami pang nilalang na umaasa sa silong ng kabundukan.

Ngunit, ang mas nakababahala ay ang unti-unting pagkawala ng ating mga kabundukan. At, ano ang rason? Matinding pag-aasam ng pag-unlad.

Hindi naman bago sa atin ang ganitong patakaran. Pinapatag ang bundok upang gawing kabahayan o industriya. Pinapatag ang bundok upang tayuan ng mall at negosyo. Pinapatag natin ang bundok para sa ikauunlad ng ating sarili.

Sa totoo lang, kung ating sisipatin nang mainam, magmula sa mga pagtatapon ng basura pahanggang sa pagpapatag ng kabundukan ay iisa lang ang nagiging mitsa. Iyon ay ang matinding pag-aasam ng tao upang umunlad.

Walang masama sa pag-asam ng pag-unlad o pag-asam ng kaginhawaan. Ang masama ay yung naninira na tayo nang sobra-sobra para lamang sa ating mga sarili. Isipin natin na kahit kailan ay hindi matatawag na maunlad ang isang bansa kung halos lahat ng kaniyangmamamayan ay nasasabik sa malinis na tubig, matatamis na prutas at gulay, sariwang hangin at luntiang paligid. Hindi pag-unlad ang tawag doon kundi isang delubyo.

Maaaring ang mga lindol o anumang sakuna ay isa nang paalala sa atin na unti-unti na nawawala ang kalikasan mula sa ating pangangalaga. Paalala napinapatay na natin ang kalikasang bumubuhay sa atin. Lahat ng mga iyon ay paalala na kaya ring gumanti ng kalikasan sa atin.

Mga kaibigan, responsibilidad natin ang kalikasan, ibig sabihin ay alagaan natin ito at pagyamanin. Huwag natin ito ipagpalit sa huwad na pag-unlad. Mahalin natin ito at pangalagaan dahil sa huli kung ano ang ibinigay natin sa kalikasan ay siya ring kanyang ibabalik sa atin.

0 comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *